Litratong Pinoy: Misyon
Isang linggo sumama ako sa isang grupo na ang misyon ay mamigay ng tinapay sa mga mahihirap sa kalsada. Nakikita niyo sila araw-araw, ang mga mahihirap ay sadyang hindi mawawala sa Pilipinas o sa iba mang bansa. Ngunit ano ba ang nagagawa natin upang matulungan sila?
Konting tinapay lamang ito pero kuminsan ito lamang ang nakakain nila sa buong araw...Napakabagbag-damdaming makita ang mga musmos na kabataang nagugutom at naghihirap.
Naiisip niyo rin ba kung gaano kahirap ang matulog sa kalsada? O ang pakiramdam na mawalan ng tirahan?
Huwag nating kalimutang magpasalamat sa biyayang natatamo natin sa bawat araw at huwag nating aksayahin ang bawat saglit na mayroon tayo upang makatulong sa kapwa nating Pilipino.Sikapin nating maging misyon ang isipin kung papaano tayo dumamay at makatulong sa kanila...
Napakagandang misyon.
ReplyDeleteNapagakandang mga larawan, nakakalungkot pero ito ang katotohanan.
Salamat sa pagbahagi sa amin, talagang mapapaisip ka sa mga tinuran mo.
Happy LP!
galing sis! .... magandang misyon ang tumulong sa mga nangagailangan. saludo ako sa mga taong ganito ang misyon sa buhay :)
ReplyDeletenaantig ang damdamin ko sa post mo. yes, i believe all of us have the potential to make a difference...as long as we open up our hearts and take on the challenge. My lp is up too :-)
ReplyDeleteNakakaantig ang mga larawan mo. Magaling na misyon iyan.
ReplyDeleteHappy LP!
kakatuwa naman ang ginagaw nyo. napakasarap tumulong ano? :)
ReplyDeletemagandang gabi! :)
magandang misyon nga yan. ito sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/06/lp-misyon-mission.html
ReplyDeleteNakakaiyak naman ang iyong entry, iyakin kasi ako,lalo na at may mga batang involve. :(
ReplyDeletegaling naman ng misyon nyo.... kawawa naman ang mga bata... tsk tsk saan kaya ang mga magulang nila...
ReplyDeletemaganda ang misyon nyo. saka mas maganda talaga na pagkain ang ibigay. naalala ko noong nasa beijing pa kami nakatira. parati namin binibigyan yung mga bata sa daan ng aming hindi naubos na french fries mula sa mcdo. pagka dumadaan kami ay nakapila ang mga bata tuloy...
ReplyDeletegood job! happy LP!... :)
ReplyDeletemagandang misyon yan, kaya lang minsan naiinis ako sa mga magulang at pinapabayaang nakakalat ang mga kawawang bata sa daan. Napakadelikado lalo pa't may mga sasakyan.
ReplyDeleteisang magandang halimbawa ang iyong ipinakita. iyan ang isa sa mga di ko gusto sa manila - ang makita ang mga pakalat-kalat sa lansangan at ang mga natutulog sa esteros. kaya minsan kahit ipinagbabawal ang maigay ng limos sa kanila ay di ko rin mapigilan ang sarili ko na maawa sa kanila at bigyan ng kahit konting barya. higit na mas mainam ang naisip nyo na tinapay ang ibigay. sana ay dumami pa ang tulad nyo.
ReplyDeletewinner itong project na ito! really really commendable! how does one support it? ;-)
ReplyDelete