Litratong Pinoy: Proteksyon
Maypagka-delikado ang larong paintball. Kapag hindi maingat ang mga manlalaro maaaring magdulot ito ng di kanais-nais na pinsala. Kaya nama'y mahigpit ang patakaran kapag naglalaro ng paintball - kailangang suot-suot lagi ang maskara o helmet para maingatan ang mukha lalo na ang mga mata.
Malaking tulog din ang pagsuot ng makapal na damit na magbibigay ng sapat na proteksyon sa ating sarili at upang hindi masyadong masaktan sa larong ito.Minalas ang isa sa mga kaibigan ko habang naglalaro kami at ito ang isang halimbawa kung paano ka masaktan sa larong paintball... Tiyak na mabubulag kung sinumang tamaan niyan sa mata!
At siyempre, para sa mga kalalakihan, huwag niyong kaligtaan na proteksyonan ang inyong... pagkalalake :)
Halos pareho rin pala ng gears sa airsoft ang paintball. Ang pinagkaiba lang eh yung weapons na ginagamit.
ReplyDeletemukhang delikado rin pala ang larong ito, kailangan talaga ng proteksyon! pero parang sarap subukan! :)
ReplyDeleteNatawa ako sa proteksyon para sa mga lalaki :D ... Pangarap ko makapaglaro ng paintball minsan.
ReplyDeleteOO nga pala, Magaganda ang mga kuha mo.
Baguhan ako sa LP sis, sana mabisita mo ang una kong Klik... salamat.
http://ishotthese.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-proteksyon.html
aray ko! ang sakit ata talga ng tama niyan ah. hehehe! nakow..dodoblehin ko ang proteksyon kung ako ang lalaki. maligayang LP!
ReplyDeletetalaga???/ wow! am sure i will never play that. hihihi. though here at Bataan madaming ganyan. They play at Mt.Samat. I like looking at them, with their camouflage. They look so serious and so game on!
ReplyDelete