Wednesday, May 27, 2009

Litratong Pinoy: Alam Mo Ba?


Alam mo ba na si Robert Wadlow ang tinaguriang pinakamatangkad na tao sa buong mundo? Naka-abot siya ng 8' 11.1" noong namatay siya sa gulang na 22. Heto ang wax na modelo ni Robert Wadlow sa Ripley's Believe It or Not! sa Times Square...
Nasa larawan din ang aking dalawang kapatid na lalaki na itinuturing kong matangkad rin kung ihahambing ko sa sarili ko. Ako ay 5' 3" lamang subalit si Neil ay 5 ' 9" at si Jan naman ay 5' 11.5". Pero talong-tao pa rin sila ni Robert Wadlow.

7 comments:

  1. oo nga ano..para na siya sungkit. :) maligayang LP!

    ReplyDelete
  2. grabe sa tangkad, napakabata nyang namatay, dahil kaya sa sobrang taas nya?

    ang tatangkad din ng mga kapatid mo! :)

    ReplyDelete
  3. Nakakalungkot lang na ang mga 'giants' noon ay maigsi ang buhay...pero may mga sinusuerte na giants na tayo ngayon na dahil natutulungan ng syensya at medisina ay humahaba na ang lifespan.

    nice share, happy LP :)

    ReplyDelete
  4. ang galing ng mga wax figure no? i love them!

    ReplyDelete
  5. Madali nga yata ang buhay ng mga katulad ni Wadlow.

    In fairness, mataas na ang 5"3 para sa mga Pinay.Kasing-taas ng brother mong si Jan ang husband ko. :)

    ReplyDelete
  6. wow ang tangkad nya... hanggang waist lang yata nya ako LOL

    eto po akin
    http://jennys-corner.com/2009/05/lp-alam-mo-ba-do-you-know-that.html

    ReplyDelete